Best Viewed in 1024x768

Home » 2015 » March » 17 » God is good all the time
1:01 PM
God is good all the time

God is good all the time, and all the time God is always good in our life. Sa lahat ng oras at araw na patuloy na ipinapahiram ng Diyos sa atin ang ating mga buhay, ay palagi siyang nariyan upang tayo'y alalayan, gabayan, turuan at pagpalain. Kung minsan madalas mangyari na ang tao ang siyang nakakalimot sa Diyos, upang magpasalamat sa lahat ng biyaya niya sa atin sa araw-araw, upang magbalik-loob sa Diyos kung tayo'y nagkakamali o nagkukulang o nagkakasala... Tandaan natin na ang ating Diyos ay sadya pong napakabuti, laging naka bukas ang kanyang mga kamay upang tayo'y akapin sa oras na tayo'y magsisi at magbalik-loob sa Kanya, huwag natin palaging pairalin ang kataasan ng kalooban, ayaw po ng Diyos sa taong mataas ang kalooban o ma-pride. Kung tayo lamang po, ay aamin at magsisisi sa lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang banal na harapan, at handa nating talikuran ang lahat ng bagay na patuloy nating ginagawa na Kanya namang kinasusuklaman at ating hahangarin na tayo'y Kanyang pagharian, patuloy na SUSUNOD SA KANYANG KALOOBAN, ay Patatawarin po tayo ng ating Diyos at lilinisin sa lahat ng ating mga karumihan at Pagpapalain sa lahat ng ating mga ginagawa. Ang atin pong pagkatao ay hindi lamang po Katawan ang sangkap nito, na kung saan ang katawang ito ay madalas nating binibigyang halaga, ayaw nating ito ay magkasakit o manghina at mamatay ng wala sa oras, kaya patuloy natin itong pinakakain ng mga bitamina at protina at iba pa...tulad ng tinapay, kanin, ulam at iba pa... Ang sabi po ng Biblia sa 1 Tesalonica 5:23 - atin pong makikita doon na, ang ating pagkatao ay binubo ng katawan, kaluluwa at espiritu. At sa Mateo 4:44 - Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos. Ibig sabihin, kailangan din po nating pakainin ang ating mga espiritu at ang Salita po ng Diyos ang pagkain nito. Mangyayari po iyan, kung binabasa po natin ang ating mga Biblia at dumadalo sa mga pagtitipon (fellowship) Sapagkat ang mababasa po sa Biblia ay mga Salita ng Diyos at ang maririnig natin sa mga pagtitipon o gawain o fellowship ay Salita rin po ng Diyos. Romans 10:17 - ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig ng nangangaral ng Salita ng Diyos tungkol kay Kristo. Kung hindi tayo nakakapakinig ng Word of God, paano tayo nagkakaroon ng pananampalataya, saan napopokus ang ating Faith...?

Views: 906 | Added by: BrotherJoy | Rating: 5.0/1
Total comments: 0
Only registered users can add comments.
[ Sign Up | Log In ]