Best Viewed in 1024x768
Mateo 13:44 "Ang paghahari ng Diyos ay katulad
                        ng kayamanang nakabaon sa isang 
                        bukid, Nahukay ito ng isang tao at
                        tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya'y
                        humayo at ipinagbili ang lahat ng 
                        ari-arian nya at binili ang bukid na iyon."

Ang kayamanan na kanyang nahukay ay higit na mas mahalaga kaysa sa kanyang mga ari-arian. At ang tinutukoy na kayamanan na kanyang nahukay o nasumpungan ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Iniwan nya ang kanyang lumang buhay at tinalikdan at pinagsisihan ang mga ito at niyakap ang Salita ng Diyos, pinahalagahan at isinabuhay.

Ayon sa John 1:1 ang Salita ng Diyos at ang Diyos ay iisa... at ayon sa Hebreo 4:12 ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa higit pa sa anumang tabak na magkabila ang talim... at ang mga nagagawa ng Salita ng Diyos ay nakapagpapalakas sa lahat ng mga pinanghihinaan ng pananampalataya, ang Salita ng Diyos ay nakapagpapagaling sa lahat ng uri ng karamdaman, mula ulo hanggang talampakan sa buto, dugo at laman, ang Salita ng Diyos ay nakapagbibigay ng isang buhay na ganap at kasiya-siya, ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan at ang Salita ng Diyos ay nakapagpapayaman.
Ang Salita ng Diyos ay salamin ng ating buhay.

Kapag ang isang tao ay bumagsak ang pananampalataya nanghina dahil hindi na nakaka dalo sa mga pagtitipon tulad ng pakikinig ng Salita ng Diyos dahil sa kagagawan ng laman. Ang dapat nyang gawin ay mag-desisyon na magbalik-loob sa Diyos at dumalo at makinig muli ng Salita ng Diyos upang lumakas muli ang kanyang pananampalataya. Sapagkat ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, pakikinig at patuloy na pakikinig ng Salita ng Diyos.

Si San Pedro ng daanan nya ang lahat ng may karamdaman ay nangagsigaling, ano ang meron sya... walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Sa Pangalan ni Jesus sila'y nangagsigaling.

Kapag ang isang tao ay tumanggap sa Panginoong Jesus, nanalig at nanampalataya, siya'y nagkakaroon ng buhay na walang hanggan ayon sa John 3:16 sa halip na mapahamak. At kapag patuloy nyang iningatan, pinahalagahan at isinabuhay ang Salita ng Diyos nagkakaroon sya ng isang buhay na ganap at kasiya-siya. Dahil ang taong hindi pa tumatanggap sa Panginoon at sa Kanyang Salita, ang kanyang pamumuhay ay karimarimarim na pamumuhay.

At kapag ang isang tao ay nanalig at pinanampalatayanan ang Sinabi ng Salita ng Diyos tulad ng Lucas 6:38 "magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos hustong takal, siksik, liglig at umaapaw ang ibibigay Nya sa inyo." Paano ba magbigay ang nakasumpong ng Salita ng Diyos? Nakatikom ba ang kanyang mga kamay? Kung magbibigay ba sya halimbawa ng pagkain o pera sa kanyang kapatid, nakatikom ba ang kanyang palad? Hindi! Kung hindi bukas palad. 
     Sa Malakias 3:10 "subukan nyong ibigay ng buong-buo ang inyong mga ikapu at handog, kundi ko ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala" .... at di lang yon... kung halimbawa ikaw ay may pananim hindi na nya padadalan ng balang o anumang nakakasira ng inyong pananim. Ganun din sa inyong mga tahanan, aalisin Nya ang hayop na hindi nyo nais na nasa inyong bahay.

At ayon sa 2 Corinto 9:8 "magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay--higit pa sa inyong pangangailangan--upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa" hindi na kayo ang mangungutang, kayo pa ang magpapautang. Deuteronomio 28:12 "...hindi na kayo mangungutang. Bagkus kayo pa ang magpapahiram."