Best Viewed in 1024x768

Mga Susi na nakapaloob sa kapangyarihan ng Panalanging Itinuro ng Panginoong Jesus sa kanyang mga alagad.

Mateo 6:9-13  9 Ganito kayo mananalangin,

                        "Ama naming nasa langit,
                         sambahin nawa ang iyong pangalan.
                    10  Nawa’y maghari ka sa amin.
                         Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa
                         lupa tulad ng sa langit.
                    11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; a
                    12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
                         tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
                    13  At huwag mo kaming hayaang matukso,
                         kundi iligtas mo kami sa Masama!”

Ama namin, ito ay nagpapatunay na mayroon tayong personal na relasyon sa ating Diyos, nakakilala tayo sa Panginoon at tinanggap ang katotohanan. Subalit kung may puwang pa ang kasinungalingan sa ating mga puso ay wala tayong karapatang tumawag sa Kanya ng "Ama", sapagkat Ang sabi ng John 8:44 ang diyablo ang inyong ama, at kung ano ang gusto niya, iyon ang inyong ginagawa. Siya'y mamatay-tao na sa simula pa at kalaban ng katotohanan, at di matatagpuan sa kanya ang katotohanan kahit kailan, kung siya'y nagsisinungaling, likas na ito sa kanya, sapagkat siya'y sinungaling at ama ng kasinungalingan. Dahil ang nagiging ama ng mga nagsisinungaling ay ang diyablo hindi ang Diyos. At ang kasinungalingan at ang saksing sinungaling mapaglubid ng buhangin ay dalawa lamang sa pitong mga bagay na kinumumuhian at kinasusuklaman ng Diyos.

Kung patuloy tayo sa pagsisinungaling at sa pag-gawa ng kasalanan ay mga kampon tayo ng diyablo ayon sa 1 John 3:8 Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo... at kung tayo'y kampon ng diyablo, kailangan nating lumaya dito. John 8:32 makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

Sambahin ang ngalan mo, Banal ang pangalan ng ating Diyos at ang Diyos ay Espiritu, hindi natin Sya nakikita subalit atin syang nadarama sa pamamagitan ng Kanyang banal na presensya. John 4:23-24 Ngunit dumarating